Monday, January 10, 2011

Ang unang yugto

Sa kabila ng pagiging busy sa school na aking pinagtuturuan ay nagawa ko pa talagang gumawa ng isa pang blog site ha. Para saan nga ba ito? Wala lang. Dapat ba laging may dahilan? E sa gusto ko lang. Gusto ko lang ng hiwalay na blog na magkukwento ng mga pangyayari sa loob at labas ng klase, mga kakatwang bagay sa piling ng estudyante (parang ang bastos pakinggan), at mga umaatikabong aksyon na maaaring maganap. Hindi ko alam kung ma uupdate ko ba 'to religiously. Sa dami ng trabaho ko bilang isang guro at koordineytor ng tisis, hindi ko alam kung mag kakaoras pa ako dito. Pero kasi eto ang paraan ko upang marelax ang aking mapaglarong pag uutak... ang mag sulat (kaso hi tech na, kaya hindi na sinusulat... tinatayp na).

Kaya welcome ebriwan sa aking mundo... ang mundo ng kahayupan, pananabla at kawalan ng hustisya.

apir!

No comments:

Post a Comment