Hindi ko pinangarap mag aral ng pang habambuhay. Ewan ko ba kung anung elemento ang pumasok sa isip ko at ninais ko na ring ipagpatuloy ang aking pag aaral. Nag enrol ako sa isang unibersidad sa mandaluyong ng Master of Science in Information Technology (naks! ganda pakinggan). Nagsimula ang klase ng second semester noong 2nd week ng November (d ko sure). Excited akong pumasok. Medyo kinakabahan din dahil kakaibang mundo ang aking papasukin (mala encantadia ba?) Aun... enero na ngaun... ni isang lecture wala pa. Kung bakit? ganito yan...
1st meeting - wala pa ung prof. Irregular pa raw kasi may mga nag eenroll pa.
2nd meeting- dumating na ung prof at inannounce na may meeting ang lahat ng GS Faculty. Sa madaling salita, wala ulet klase.
3rd meeting- nag orient si sir tapos uwian na agad. next week na raw ang lecture.
4th meeting- anak ng pating! may meeting na naman raw. Courtesy call sa bagong dean ng GS.
5th meeting- Christmas Party raw kinabukasan kaya di makakapasok si sir. :(
....Christmas break....
6th meeting- nasa bakasyon pa raw si sir. Next week pa ang balik.
o di ba? ang saya! amfness!
No comments:
Post a Comment