Friday, January 28, 2011

thesis checking

Bilang thesis coordinator, nag sschedule ako ng checking ng thesis ng bawat grupo...

teacher: set up na kayo... in 5 mins mag checheck na ako.
student: san po kme mag seset up sir?
teacher: sa elevator try nyo.
student: hehehe... cge po sir sa room 415 na lang.
teacher: pati ung dokyu chechekan ko ha. Iwan nyo na lang sa table ko.
student: sa table mo sir?
teacher: sa table ng katabi ko.. try mo.
student: (pabulong) pag ako lang naka graduate.
teacher: kung maka graduate ka! cancelled ang checking.

hehehehe.....

Thursday, January 27, 2011

SEMI COMMA

teacher: what is a delimiter? (a delimiter is actually a semicolon that ends a statement in programming)
student: d ko alam ser eh.
(nagdrawing ng semicolon ; si teacher sa board)
teacher: ano tawag dito?
student: d ko maalala ser e.
(nagdrawing ng comma , si teacher sa board)
teacher: e ayan
student: alam ko yan ser.... comma yan
teacher: e eto? (nilagyan ng tuldok sa taas)
student: d ko talaga maalala ser e... ay! alam ko na!!! SEMI COMMA sir!!!! SEMI COMMA!!!!

Wednesday, January 26, 2011

try-out

Nag announce ako sa Advisory class ko (BSIT 102) regarding sa upcoming Sports Fest ng school.

Teacher: Magkakaroon tayo ng try-out ng iba't ibang sports para sa cluster natin.
Student: Sir may basketball?
Teacher: syempre naman...
Student: Sir, saan po mag ta try out?
Teacher: Sa timezone. pataasan ng score. XD
Student: hala, wala akong timezone card.
Teacher: hala.. sige patulan!

Monday, January 24, 2011

Ang aking sandata sa pagtuturo... :)

Tuesday, January 18, 2011

STRESS

This is how i define "stress"

Ang aking mahiwagang table sa Faculty room...

Wednesday, January 12, 2011

SHABU

a scene from my BSIT 102 class this afternoon.

Maaga sila natapos sa laboratory activity kaya maaga ako nag pa dismiss.

teacher: for those who are done at nakapag pa check na, cge... you may go.

students:najksdhsjgxb csdifsddcf@$^&^*#&*&#(!&*(#!jxklsjdiajd

(samu't saring ingay sa pagtayo at pagkukwentuhan- may manonood ng sine, may mag dodota, may makikipag break sa syota, may magpapakamatay at kung anu anu pang naririnig ko!)

teacher:(nairita sa ingay) ANG SABI KO, YOU MAY GO...hindi ko sinabing magbentahan kau ng SHABU dyan!

Tuesday, January 11, 2011

mga dahilang wala sa hulog

teacher: hoy dakilang nilikha, bakit ka absent?
student: hindi po ako nakapasok sir eh.
teacher: malamang absent ka nga e. Absent ka ba kung nakapasok ka? hmf!
student: hehe. tinanghali po kasi ako ng gising e.
teacher: anu naman? e tanghali naman talaga klase nten ah.
student: ay oo nga po pala. Nagkasakit na lang po pala ako sir.
teacher: sa guidance ka na nga lang mag explain. Para usapang lasing lang to e.
student: panu nyo po nalaman na naglasing ako kagabi?
teacher: lumabas ka na nga ng klaseng to. Na iistress ako sau.

ang saya ng gradweyt skul

Hindi ko pinangarap mag aral ng pang habambuhay. Ewan ko ba kung anung elemento ang pumasok sa isip ko at ninais ko na ring ipagpatuloy ang aking pag aaral. Nag enrol ako sa isang unibersidad sa mandaluyong ng Master of Science in Information Technology (naks! ganda pakinggan). Nagsimula ang klase ng second semester noong 2nd week ng November (d ko sure). Excited akong pumasok. Medyo kinakabahan din dahil kakaibang mundo ang aking papasukin (mala encantadia ba?) Aun... enero na ngaun... ni isang lecture wala pa. Kung bakit? ganito yan...

1st meeting - wala pa ung prof. Irregular pa raw kasi may mga nag eenroll pa.
2nd meeting- dumating na ung prof at inannounce na may meeting ang lahat ng GS Faculty. Sa madaling salita, wala ulet klase.
3rd meeting- nag orient si sir tapos uwian na agad. next week na raw ang lecture.
4th meeting- anak ng pating! may meeting na naman raw. Courtesy call sa bagong dean ng GS.
5th meeting- Christmas Party raw kinabukasan kaya di makakapasok si sir. :(
....Christmas break....
6th meeting- nasa bakasyon pa raw si sir. Next week pa ang balik.

o di ba? ang saya! amfness!

gwapo ko raw

former student: sir! gumagwapo ka ah...
teacher: tumabi ka ba naman sken e.... malamang gagwapo talaga ako.
former student: basag na naman ako ah.
teacher: (evil smile)

Monday, January 10, 2011

Ang unang yugto

Sa kabila ng pagiging busy sa school na aking pinagtuturuan ay nagawa ko pa talagang gumawa ng isa pang blog site ha. Para saan nga ba ito? Wala lang. Dapat ba laging may dahilan? E sa gusto ko lang. Gusto ko lang ng hiwalay na blog na magkukwento ng mga pangyayari sa loob at labas ng klase, mga kakatwang bagay sa piling ng estudyante (parang ang bastos pakinggan), at mga umaatikabong aksyon na maaaring maganap. Hindi ko alam kung ma uupdate ko ba 'to religiously. Sa dami ng trabaho ko bilang isang guro at koordineytor ng tisis, hindi ko alam kung mag kakaoras pa ako dito. Pero kasi eto ang paraan ko upang marelax ang aking mapaglarong pag uutak... ang mag sulat (kaso hi tech na, kaya hindi na sinusulat... tinatayp na).

Kaya welcome ebriwan sa aking mundo... ang mundo ng kahayupan, pananabla at kawalan ng hustisya.

apir!